7.02.2008

ACK!!!! May flowers na naman!

I think I have a secret admirer. Either that or may mga kamag-anak akong akala patay na ako. When I arrived home today, there was a bunch of pink roses waiting outside my door. The card simply had my name, typewritten. Yun lang. Joseph __________ centered on a purely white card.

I asked the condominium guard kung may napansin siya. He told me that he did notice something, sabay tawa na may kasamang kantyaw. Mang Gus also indicated that he knew who was bringing me the flowers, but when I pressed him for more information, he just laughed again, and winked. He wouldn't tell me kahit anong pagmamakaawa ang gawin ko.

This is driving me nuts.

I think this is the fourth bouquet of roses left outside my door. The other time, it included a box of chocolates. Parang nililigawan ako, pero ayokong mag-assume.

And palagi, the only indication that the flowers are for me is the card with the typewritten name. I tried to ask the administrator to allow me to install a camera outside my door. I reasoned that it was a security move on my part. Di ako pinayagan.

The first time, I called my girlfriend and thanked her for the flowers. Wrong move. Laking away noon. She thought I was fooling around, and even after repeated assurances that I wasn't, ayaw talaga maniwala. Di ko rin maconnect; if I was fooling around, e di dapat I wouldn't mention it to her and I wouldn't call to thank her for the flowers if I knew she did not send them. Pero akala ko siya talaga.

The third time, natawa na lang kami. She teased me na buti pa ako may flowers, samantalang siya hindi man lang maalalang padalhan ng bagoong at tuyo ng boyfriend niya. I sent her a package of dried mangoes -- kasi baka di pwede ang bagoong at tuyo because of their nasty smell -- and when she received it, inaway pa rin ako kasi daw walang flowers!

I called her and seriously asked if she's not putting one on me. She swore na hindi siya.

May list of suspects ako. Sayang naman yung deductive reasoning na natutunan ko nung college kung di ko gagamitin di ba. Number 1, whoever is sending these flowers has to be a tenant in the building, or else di sila papapasukin ni Mang Gus. Number 2, she has to be from my floor, kasi bihira naman akong may makasabay sa elevator na hindi ko ka-floor. Kung meron man, I doubt kung may lasting impression.

So, ang suspect ko is Ms. G, yung flirty executive ng isang malaking company dito. Or it could be Mrs. H, matandang matrona na mahilig mag-ballroom. Sana si Ms. G., kasi hassle si Mrs. H. War freak yung asawa niyang hapon eh. Pero si Ms. G. naman kasi, deadma lang kung makasabay ko siya sa elevator. Our exchanges are limited to Hi, Hello, anong floor? Minsan nga walang kibuan, smile lang.

Sana hindi si Mrs. H. kasi yung huling lalake na nalink sa kanya, balita ko pinutulan ng daliri at binugbog in one night, that was after ninakawan yung bahay niya at pinagpupukpok yung kotse niya. Walang exaj!

Yung iba dito, either di ko kilala, or lalake, or may asawa, or sobrang bata, I mean, hindi pa tumutungtong ng high school.


* * *

Honest lang ako ha, but these flowers are boosting my male ego. May kiliti rin, baga. It makes me think that somehow, somewhere, someone is uplifted by seeing me smile. Hahaha. May mga natutunaw din pala sa looks ko? And these flowers seem expensive, so talagang malakas ang tama sa akin ng admirer ko. Hehe.

But not knowing who it is is driving me crazy. I mean, it's not that may mangyayari more than this between us, but still, it's nice to know your fans. Para din may peace of mind ka, di ba. Besides, sa dami ng mga psycho-thrillers na napapanood ko, medyo natatakot na akong buksan yung pinto ko sa gabi, or lumabas ng elevator without first checking kung may ibang tao sa floor.

Minsan din, I find myself trying to catch the giver. Umuuwi ako ng maaga, tapos I take the stairs, baka sakali. Almost always, wala ang flowers. Lalo nang wala rin yung nagiiwan.

Nakakapraning!!!

3 comments:

Anonymous said...

Updates please. Can't wait to find out who is the mystery admirer. ;)

Anonymous said...

how genuine is this story?
anyhoo,genuine or not..you write quite good..

joee said...

unfortunately, this is true. and i still don't know who it is, kasi kahit anong kulit ko sa guard namin, ayaw talaga sabihin. amf.