Itong opisina namin, sa kabila ng napakagalang-galang na reputasyon, ay isang sanctuarium ng mga magugulo, baliw at sira-ulong mga tao. Bawat isa ay may kanya-kanyang ka-weirdohan at eccentricity, pero pag pinagsama mo lahat, they make up one big, crazy, ball of sunshine (eeek... parang that sounded so gay. LOL). Anyway, let me introduce to you some of the people I work with. Itong mga taong ito ay seryoso kung kinakailangan, pero may mga oras na talagang lumuluwag ang turnilyo sa kanilang mga ulo.
Ang manic-depressive na si *Shiela. 35 days in a month yata kung ma-depress ang lola. Epekto yata ito ng sobrang green tea (Oo, panay green tea lang ang iniinom nya, at public enemy nya talaga ang softdrinks). Tsaka halos twice a week, may LQ sila ng syota nyang architect. Madalas kasi yang pumapasok na parang nakapaghilamos ng sili sa sobrang maga at pula ng mga mata. May mga panahon ring nagkukulong sya sa CR, kaya tuloy ang ibang gustong gumamit, tumatawid na lang sa kabilang building para makapagbanyo. Pero hindi ibig sabihin panay iyak at simangot lang ang alam nya. Malakas din tumawa ang manang, at pag tinotopak, sumasayaw at kumakanta, minsan naman tumutula pa yan. In fairness ha, memoryado nya ang "Oh Captain, My Captain" ni Mr. Walt Witman at tsaka yung "Trees"... ni Joyce Kilmer ba yun? Pero ayun nga, ilang segundo lang, magshi-shift na naman ang mood nya, bigla na namang tumatahimik at magmumokmok sa isang tabi. Hay naku, sabi nga ng iba naming kasama, baka Coke lang kulang sa buhay nya. As the Coke ad says "Mag Coke araw-araw"... or something like that.
Si *Marcus na accident-prone. Ewan ko ba sa taong ito at kadikit yata ang malas. Minsan ay pumasok sya sa trabaho na sobrang baho, tila nagpagulong-gulong muna sa tambakan ng basura sa Payatas bago nya naalalang may trabaho sya ng araw na yun. Ang kwento nya, sumuka ang batang katabi nya sa jeepney at sa polo nya tumama lahat. Buti na lang at may dalang extra t-shirt yung isang kasamahan namin at napahiram sya. May isang araw din na ginulantang nya kaming lahat nang pumasok syang wala ng buhok. Yun pala, sinapian ng masamang espirito ang barbero habang ginugupitan siya't na-shave ang buhok sa likod ng kanyang ulo. Kaya naman nakapagpakalbo sya ng wala sa plano. Minsan din, lumabas sya ng banyo at pawis na pawis. Apparently, pagkatapos ang transaction no. 2 nya sa loob at habang inaabot na nya ang flush, nahulog ang cellphone nya. Ayun, nag impromtu fishing ang pobre sa Ilog Pasig. Hahaha, kadiri no? Pero buti na lang sa kanya ang dumi at hindi sa ibang tao. (Toinks. Tama ba namang gawing consolation yun? hahaha..)
Si Maam *Tess na isang Korean wannabe. Mabuti na lang at siya'y ubod ng puti (este, ubod ng putla) at kahit papaanoy napapatawad sya sa kanyang efforts na i-imitate ang Korean fashion. Kasi sabi ng karamihan, ang mga Korean ay maypagka-baduy sa pananamit, pero dahil silay mapuputi, nagiging okay at hip sila tingnan. Si Maam Tess ay tahimik at medyo mahiyain, pero may mga araw na tila siya ay inspired at nagiging daring sa kanyang mga attire. Minsan ay pumasok sya sa opisina na naka-mini skirt at naka boots. At dahil hindi ako well-versed sa female fashion, hindi ko alam kung ano talaga ang exact boot type na iyon, pero for sure hindi yung tipong leather na okay isuot kapag naka-jeans or naka-slacks ka. What I mean is yung tipo ng boots na medyo furry at bulky... alam mo yung boots na sinusuot ng mga Eskimos sa Alaska para labanan ang sobrang lamig? Yun, yun nga. Isang araw rin, pumasok sya sa office na naka yellow jacket at naka black leggings, with matching leather bracelet na may spikes (yung nakikita natin sa cartoons na ginagawang collar ng mga bulldogs? Woof, woof!). Hanep talaga sa seasonal guts si idol!
Si *Bruno. Si Bruno ay isang malaking tao, with matching balbas at bigote. May tattoo ng isang kalansay din sya braso. Astig at barumbado. Pero si Bruno ay isang brooha. In other words, bading sya and "proud of it!" "Pero Bruno, bakit ayaw mong magpaahit para at least man lang magmukha ka talagang bakla?" "I love my beardy, 'nuff said."
Ang suki ng bayan na si *Lydia. Itong si Lydia ay hindi yata mabubuhay ng isang araw na hindi nakapagtinda. Halos nga lahat ng bagay na pwede nyang maisip ay inilako na nya sa opisina. Okay lang yung mga pangkaraniwang bagay na tinitinda nya gaya ng junk foods, baked goodies, at ibang pagkain na talaga namang hinahanaphanap talaga namin tuwing meryenda. Okay rin yung mga kikay things gaya ng Avon products, at tsaka immitation Victoria's Secret perfumes, bags at ibang RTWs. Pero minsan ay nagiging out-of-the-ordinary na yung mga binibenta nya o di kayay nire-request ng mga officemates namin na itinda nya. Minsan dumating siya sa opisina na may bitbit na malaking basket na may pink ribbon. Akala ko pastries ang laman. Ngunit pag bukas ko sa nakatakip na tela, isang puting kuneho ang bumulaga sa akin. Pabirong tanong ko nga sa aming resident Bread/Snack/RTW/AVON Lady ay kung pati pagma-magic ay pinasukan na ba nya. Yun pala, isa sa mga officemates namin ay naghahanap ng rabbit at ito naman si Lydia ay talagang ubod ng listo at nag-offer agad. Hindi lang ito ang mga naisipang ibenta ng businesswoman extraordinaire. Pati pirated DVDs, bibles, noni juice, MP3 players, cellphones, school supplies, kandila, longganisa, torotot tuwing palapit na ang New Year, toothpaste, halaman, at iba pa, ay naibenta na nya sa opisina. Kulang na lang yata magdala sya ng uling at magtayo ng barbecue stand sa tabi ng cubicle nya.
May iba pa kaming weirdo personalities dito. Nandyan si *Terri na epitome ng isang taong may excessive paranoia, at feeling nya lahat yata ng lalaki ay gustong halayin sya; si *Phoebe na talagang Obsessive-Compulsive (yung tipong Jack Nicholson sa "As Good as It Gets") at palaging bitbit ang sariling kutsara at tinidor, sariling sabon, isang higanteng bote ng alcohol, hand sanitizer at wet wipes, isang handy container ng Lysol, gloves, disposable mask, at sa tingin koy magbibitbit na rin sya ng sariling arinola one of these days pag hindi na talaga nakatiis; si *Van na hinala namiy isang professional macho dancer tuwing gabi dahil sa dami ng kakilalang chicks; at ang caveman na si *Julius, na tilay nanggaling pa sa lugar na malayo sa kabihasnan at kung saan wala pa yatang stove at inuumpog lang nila ang dalawang bato para makagawa ng apoy.
* real names changed
8.08.2008
Subscribe to:
Posts (Atom)